Pinaghihilom ko pa ang mga sugat nung nakaraang duty. I guess I'm feeling better now. May mga tao talagang ang mission sa buhay ay inisin ka. At dun sila magaling. Minsan ang tanging solusyon ay matter-of-fact na pagtataray. Kasi kung hindi, paulit-ulit na lang nilang gagawin.
Kagaya nung isang linggo. Itong si Uxu, everytime na nakikita ako, lagi aking sinusuntok sa braso. Malakas pa naman kung makahataw. Mayayanig ka talaga. Hindi naman kami close kaya ewan ko ba kung bakit niya ginagawa yun. At ang mas nakakairita, may mga pasaring pa siya on the side. Hindi naman kami magka-department. So what in the world is wrong with him? Anong karapatan niya?! Kaya pagkasuntok niya sa braso ko, binulyawan ko nga:
You know what, this is the last time Im gonna let u punch me. Cuz next time, Im gonna report u to HR! I have a fracture on my arm and u always punch me! This is physical harassment!!!
Habang dinideliver ko yun, fiery expression talaga. Kulang na lang ay umusok ang ilong, mamula ang mata at lumitaw ang pangil ko sa galit. Kakaimbierna, e!
Hayun, biglang namuti ang mukha niya. Para siyang ibinilad sa suka for 2 days. After a couple of minutes, bigla siyang lumapit sa akin at nag-apologize. Nagbibiro lang daw siya. Haller! Gawin ba akong punching bag? At bakit kailangan niya akong biruin sa ganung paraan? Hindi humupa ang galit ko. I gave him a warning.
This is the last time. I will report u if u do that again! Remember that!
Natauhan ang loko. Puts him in his place. I wont tolerate that kind of behavior again. Ever.
I had a good group last time. Kaso may isa roon na sobrang pasaway. Itago na lang natin siya sa pangalang Sleeping Beauty. Hindi na nga marunong mag-thank you, napaka-defiant pa. Maganda naman siya, may jowa, magaling umingles. Kung tutuusin, marami siyang dapat ipagpasalamat sa Diyos. Kaso she's too blind to see. She is so full of herself. And she's acting like a princess in a faraway castle. Hobby niya ang mang-torture ng mga nakapaligid sa kanya. Lalo na sa mga bartender na gaya ko. Even her family has the same diva attitude.
I was in her suite, to deliver her tequila. Bigla ba namang nagmaganda.
Ouch, you're twisting my arm!
I'm just helping u. I will give ur tequila now.
Can u open that freakin' light?
I can see in the dark!
Can u hurry up!
What do u think I'm doing?
Minsan, kailangan mo talagang suplahin ang mga taong nag-aattitude. I'm not a maid noh, much less a puppy. Kala mo kung sino mag-utos.
In my 5 years in Venus, I think I toughened up enough. Or more correctly, I became assertive enough to express myself clearly. Alam ko na ang rights ko. I know when to take blows -- and give some when necessary. Kasi kung hindi, baka wala na akong ego. Baka wala na akong identity. Kaya kapag tinatanong ako sarcastically ng ibang customer kung ilang taon na akong nagba-bartender, I give them a straight-faced answer: I've been doing this for years.
And in my observation, kung sino pa ang mal-edukado, kung sino pa ang yagit, kung sino pa ang panget, kadalasan ay sila pa ang sobrang mag-maltrato ng kapwa nila. Pero hindi ko naman nilalahat.
I'm peace-loving and generally quiet. Pero kapag inapakan na ang paa ko, talagang sumisigaw ako in protest. Pwede ba!